Quote Sheet ng Chatrandom

I-download ang PDF ng Quote Sheet


"Lubos akong naniniwala na ang Chatrandom ay papaakyat na. Nagsusumikap kami bilang isang grupo at ang mga nagtatag ay nag-aambag ng ilang oras sa isang araw upang makinig sa aming mga sasabihin. Kung wala ang aming grupo ay hindi namin maaabot ang antas na ito."

- Dave Brun, Content Director ng Chatrandom


"Nuong nagsisimula pa lamang kami, hindi namin inasahan na makakahanap ng tunay na pagibig ang mga tao sa Chatrandom. Nangyari ito minsan, at nangyari uli, at ngayon ay madalas kaming nakakatanggap ng mga mensahe galing sa mga tao na lumipad sa buong mundo upang makilala ng personal ang mga taong nakilala nila sa Chatrandom."

- Evelyn Victoria,Co-Founder ng Chatrandom


"Mabilis akong nasanay sa paggamit ng Chatrandom. Ginawa nilang madali na makipag-usap sa sinumang di kilala at mayroon silang mga mas magandang tampok kumpara sa mga ibang site na napuntahan ko na!"

- Jake Linden, Gumagamit ng Chatrandom


"Akala ba ng Airtime na ang badyet na 30 million dolyar ay sapat na para pabagsakin kami at pumalit sila? Anong klaseng biro yun; maaaring itinatag nila ang Napster at Facebook, ngunit sa amin ang industriyang ito!"

-Allen Fox, Co-Founder ng Chatrandom


" Mahalaga para sa akin na malaman ko na ginagawa kong mas magandang lugar ang mundong ito. Sa pagbabawal sa mga bata, trolls at iba pang mga maling gumagamit ng Chatrandom, pakiramdam ko na ako ay tumutulong na protektahan ang virtual na komunidad. Sa huli, ang panganib sa online ay mayroon din na tulad ng sa tunay na buhay."

- Len Sonosa, Tagapangasiwa ng Chatrandom


"Natalo namin ang Chatroulette, Airtime at marami pang iba; magbantay kayo mga higante ng social media, ang inyong posisyon ang isusunod namin."

- Allen Fox, Co-Founder ng Chatrandom


"Nagulat ako nang may isang lalaking na-ban ilang segundo lang matapos siyang isumbong. Ang mga tagapangasiwa ay talagang mabilis at ito ay nakakapagpagaan ng pag-iisip."

- Ayaw Magpakilalang Gumagamit ng Chatrandom


"Ang daan tungo sa tagumpay ay di aspaltado ng kita; kailangan mong mabuhay, huminga, at pagpawisan sa iyong negosyo na hindi iniisip ang potensyal na perang maaaring kitain. Hindi kami tumatanggap ng malaking sweldo; sa halip ay ibinabalik naming halos lahat ng aming kinita sa pagbuo ng mga mas magandang tampok at sa pagpapalawak."

- Allen Fox, Co-Founder ng Chatrandom


"Ang paglikha ng kalidad na mga nilalaman, mga disenyo at mga code ay kinakailangan kung nais naming makita bilang propesyonal. Hindi namin ipinapasa sa iba ang aming trabaho, ginagawa naming ang lahat ng kami lang. Ang pangkat ng Chatrandom ay maliit, ngunit nagtatrabaho ng husto at epektibo upang dalhin sa mga gumagamit ang pinakamahusay na posibleng serbisyo."

- Dave Brun, Direktor ng Mga Nilalaman ng Chatrandom


"Kung hindi kami kikilos pasulong, kami ay maiiwanan. Ang random cam industry ay patuloy na lumalaki at ang pagtayo lamang ay hindi isang opsyon kung gusto naming manalo sa karera."

- Allen Fox, Co-Founder ng Chatrandom


"Nakapunta na ako sa mga cam site dati, ngunit ang Chatrandom ay talagang dinadala ito sa isang buo at naiibang lebel. Maraming salamat sa buong pangkat na nasa likod ng Chatrandom!"

- Steve Asher, Gumagamit ng Chatrandom


"Nanood kami habang ang Airtime ay bumulusok sa pagkabigo. Kami ay naupo ng tahimik habang nawala sa Chatroulette ang marami sa mga gumagamit nito. Kami yung tahimik na tao na hindi nagsasalita, ngunit natututo mula sa mga pagkakamali ng iba."

- Evelyn Victoria, Co-Founder ng Chatrandom


"Nakahanap ako ng pag-ibig sa Chatrandom. Hindi lang yung isang beses na pagpapalayaw, ngunit yung aktwal na totooong pag-ibig. Alam kong parang linya lang ang sinasabi ko, ngunit ang Chatrandom ay ginawa itong posible at kung wala sila ay gugugol pa rin ako ng mga malulungkot na gabi ng mag-isa."

- Ayaw Magpakilalang Gumagamit ng Chatrandom


"Nagsimula akong gumamit ng Chatrandom dahil kulang ako sa tiwala sa aking sarili pagdating sa mga babae. Pagkatapos kong gumamit ng tampok na Chatrandom Girls ng ilang buwan, Ay nagawa ko nang makipag-usap sa mga totoong babae at nalampasan ang aking takot."

- Brian Sherman, Gumagamit ng Chatrandom


"Ang mga milestone na aming naabot ay mga indikasyon na maaari pa kaming humusay. Ang bawat negosyong lumago ay may puwang pa para sa mas marami pang paglago. Kung gusto naming maging pinakamagaling, ay hindi kami maaaring tumigil sa 500,000 na gumagamit araw-araw; gusto naming gawin itong 10 milyong gumagamit araw-araw at pagkatapos ay mas marami pa."

- Allen Fox, Co-Founder ng Chatrandom


"Gumigising ako bawat umaga, gumagawa ng isang palayok na kape at dumiretso papasok sa trabaho. Maaari akong magtrabaho ng mas maikli, ngunit ang trabaho ko ay masay. ANg pamamahala sa mga nilalaman ng Chatrandom ang dahilan kung bakit ako tumatayo sa umaga at kung mahal mo ang trabaho mo, makikita ito sa kalidad na ibinibigay mo sa mundo."

- Dave Brun, Direktor ng Mga Nilalaman ng Chatrandom


"Ang susunod na limang taon ay magiging mahirap; maraming dedikasyon, mahahabang oras ng pagtatrabaho at walang tulog na mga gabi, ngunit kung ipagpapatuloy naming ito, sigurado kaming na maaari kaming maging ang susunod na Facebook."

- Allen Fox, Co-Founder ng Chatrandom


"Sinusundan ko ang Chatrandom ng ilang buwan na at nasorpresa akong makita kung papaano sila nagdaragdag ng mga bagong tampok sa bawat ilang linggo. Talagang ginagawa nitong mas kakaiba ang karanasan!"

- Helen Kledy, Gumagamit ng Chatrandom


"Hindi sa pinipilit naming ang mga taong bisitahin ang Chatrandom; sila ay talagang bumabalik para sa mas marami pa."

- Evelyn Victoria, Co-Founder ng Chatrandom

""
Sundan Kami: