Ang Chatrandom ay may buong tampok na serbisyo sa video chat upang makakonekta ka sa mga estranghero sa buong mundo. Mayroong ilang magkakaibang paraan upang makipag-chat sa Chatrandom kasama ang Random Chat, Chat sa Bakla, mga Chat Room at Cam4 Chat.

Ang Chatrandom ay makabagong serbisyo sa random chat na dinala ang random video chat sa kasunod na antas. Nag-aalok ang Chatrandom ng malaking saklaw ng opsyon at mga tampok na pinapaganda ang iyong karanasan sa pakikipag-chat.

Ang buong idea ng Chatrandom ay ikonekta ka sa ibang tao sa ibang mundo gamit ang webcam. Ang makita ang tao na iyong nakaka-chat ay malaking bahagi ng karanasan sa Chatrandom, gayundin ang makita ka ng ibang tao. Bagaman magagamit mo ang serbisyo ng walang webcam, makakakonekta ka lamang sa ibang gumagamit para sa text chat hanggang sa buksan mo ang iyong webcam.

Ang Chatrandom ay magagamit sa 25 iba't-ibang wika kasama ang Ingles, Espanyol, Portuguese, Pranses, Aleman, Arabe, Ruso, at marami pang iba.

Kung nais mong baguhin ang wika, ihinto ang mouse pointer sa bandila na makikita sa kanang taas ng pahina. Makakakita ka ng listahan ng magagamit na wika at makakapili ka ng nais mong gamitin.

Kung mayroon kang katanungan na hindi mo mahanap ang sagot sa seksyon na ito, makipag-ugnayan sa amin.

Ang Chatrandom ay isang komunidad at kung kaya mas maraming gumagamit nito, mas masaya. Mangyaring ibahagi ang link ng aming website sa iyong mga kaibigan, pahahalagahan talaga namin ito!

Ang saya ng aming random video chat ay upang makakilala ka ng sinuman at makita ang anuman. Sa isang saglit maaari mong makita ang isang taong nakabihis ng maayos habang sa susunod na oras maaaring makita mo ang isang taong kumakanta. Ang mabilis na katangian ng Chatrandom ang dahilan kung bakit nagiging kapana-panabik ito.

Ang chat platform ay may dalawang screen upang makita mo ang iyong video feed gayundin ang webcam ng iyong kausap.

Ang paglipat sa kasunod na estranghero ay madali lamang! Kung hindi mo gusto ang iyong kausap, pindutin lamang ang "susunod" na button at agad kang ikokonekta sa ibang tao online.

Ang Chat sa Bakla ay gumagana tulad ng pangunahing random chat, maliban sa ikaw ay kokonekta lamang sa mga bakla na lalaki sa buong mundo gamit ang webcam.

Upang magsimula, pindutin ang malaking "Start" na button na nasa chat platform. Pagkatapos, pagahanin ang iyong webcam kapag hiniling, at ikaw ay kokonekta sa unang random na lalaking bakla.

Maraming iba't-bang uri ng lalaki ang gustong gumamit ng tampok na ito. Ang seksyon na ito ay hindi limitado sa baklang lalaki lamang, makahahanap ka ng mga bisexual na lalaki at mga interesadong straight na lalaki na gusto ding makipag-video chat sa ibang lalaki.

Ang aming tampok sa cam chat sa bakla ay natatangi sapagkat nagbibigay ito ng kahanga-hangang paraan para sa iyo upang agad na makakilala ng mga baklang lalaki sa buong mundo gamit ang iyong webcam.

Ang chat room na seksyon sa Chatrandom ay ikinokonekta ka sa libu-libong tao base sa mga interes. Ang format ng mga chat room ay tulad ng sa luma at tradisyonal na mga chat room maliban sa mas marami itong tampok at maaaring buksan ang iyong webcam!

Upang magsimulang makipagkilala sa mga tao sa chat room, pumili lamang ng room at pindutin ang link upang makapasok. Pagkatapos nito, makapagsisimula ka ng makipagkilala sa mga bagong tao at makipag-usap gamit ang iyong webcam.

Upang makita ang live webcam broadcast ng ibang gumagamit, buksan ang iyong webcam at makakokonekta ka sa mga estranghero na nakabukas ang cam.

Posibleng ikaw ay aming pinagbawalan mula sa isang seksyon ng chat room dahil sa paglabag sa aming mga tuntunin sa serbisyo.

Kung nais mong makipag-chat sa hanggang apat na tao ng sabay-sabay gamit ang webcam, pindutin ang Cam4 na link sa taas ng pahina. Sa seksyong ito, makakapag-chat ka sa higit apat na tao ng sabay-sabay sa isang group chat!

Ang Cam4 Chat ay isang maramihang chat na serbisyo upang ikaw ay makapag-chat sa hanggang apat na tao ng sabay-sabay. Upang magamit ang Cam4Chat, pindutin ang link sa taas ng pahina, piliin ang iyong kasarian, at pindutin ang "Pumasok sa Chat". Makakapili ka ng hanggang apat na tao na maaaring maka-chat gamit ang webcam ng sabay-sabay.

Kapag kumonekta ka sa serbisyo, makakakita ka ng isang pop-up box na humihingi ng pahintulot na ma-access ang iyong webcam. Pindutin ang "Allow" na button upang hayaan ang platform na ma-access ang iyong webcam at makita ka ng ibang gumagamit.

Natutukoy namin ang bansa ng isang gumagamit sa pagkilala ng lokasyon ng kanilang IP. Kaya kapag lumabas na ikaw ay nasa maling bansa, maaaring ito ay dahil gumagamit ka ng proxy o isang IP address mula sa bansang iyon. Kung hindi ka gumagamit ng proxy o ibang IP address, mangyaring makipag-ugnayan sa amin at isama ang iyong IP address at ang bansa na ipinapakita ng aming sistema kung saan ka naroroon at gagawin namin ang aming makakaya upang ayusin ang problema.

Kung hindi nagsimula ang pag-uusap, tingnan ang iyong firewall settings at siguraduhin na mayroong access ang Chatrandom. Ang firewall ang pinaka-karaniwang dahilan kung bakit hindi nakakakonekta ang ibang tao sa chat.

Kung wala kang anumang marinig mula sa iyong kausap sa cam, mayroong ilang bagay na iyong magagawa upang maayos ito:

  • Tanungin ang kausap kung ang kanilang mic ay nakakonekta at pinili nila ang tamang sound input
  • Tingnan ang output volume sa chat app na mahahanap mo sa pagtigil ng mouse pointer sa webcam feed ng kausap
  • Siguraduhin na ang volume sa iyong computer/device ay nabukas at ang volume ay malakas

Oo. Ang Chatrandom ay lubos na tugma sa lahat ng Apple at mga Android mobile device. Upang gamitin ang site na ito sa iyong mobile device, pumunta lamang sa website gamit ang browser sa iyong mobile.

Oo. Lahat ng tampok na makikita sa bersyon ng website sa main browser ay magagamit din sa mobile site.

Upang magamit ang Chatrandom, dapat ikaw ay hindi bababa mayorya ng edad sa hurisdiksyon kung saan ka nakatira.

Kung kumonekta ka sa sinuman na gumagawa ng labag sa tuntunin ng serbisyo ng Chatrandom, maaari mo silang iulat sa loob ng chat sa pagpindot ng icon ng bandila o button sa pag-ulat.

Oo, posibleng mairekord ng isang tao ang iyong webcam chat. Dahil dito, labis naming inirerekomenda na sundin ang patakaran sa kaligtasan sa lahat ng oras at labis na mag-ingat sa iyong gagawin habang nakikipag-chat. Magandang idea na kilalanin muna ang isang tao bago gumawa ng mga bagay na hindi mo nais makita ng iba. Alalahanin na ito ay pambublikong serbisyo sa chat at anuman ang iyong gawin ay maaaring mairekord ng ibang gumagamit.

Mayroong ilang hakbang upang manatiling ligtas habang nakikipag-chat online kasama ang:

  • Huwag na huwag ibibigay sa isang estranghero ang anumang personal na impormasyon, mga social network, email o iba pang personal na data
  • Huwag na huwag bibisita sa mga link sa labas o website na ibinigay ng isang estranghero
  • Maging alerto sa mga tao na gumagamit ng mga pekeng video at nagpapanggap na ibang tao
  • Laging isaisip na ang mga tao ay maaaring mag-screenshot o mag-rekord ng inyong usapan